Friday, March 19, 2010

Supreme Court defends It's Ruling

Isang maligayang pagdalaw sa aking munting tahanan ng makabuluhang pag- "uuzi" sa mga nangyayari sa ating bansa.

Kanina habang nag-aabang ako ng jeep sa abangan ay akalain mong napadako ang malikot kong mga mata sa balita sa dyaryo.. pinutakte ng mga reklamo at tuligsa ang Highest Court sa naging desisiyon nila na hindi saklaw ng Artikel ek-ek setion na di ko matandaan ng ating constitusyon ang pagba-ban sa ating pinakahahahal na pangulo ang mag-appoint ng chief justice. E di natural na dumepensa sila.

ANG KUWENTO:

Ang mga umeepal naman daw sa kanila e yun ding mga dati ng maeepal haha.. galing ano? Dapat naman daw ay binasa muna nila ang ang kabuuang detalye ng ruling nila. Aba e oo nga naman. Me punto ang ating mga panyero. Bakit d na lang daw magbigay sila ng moiton of consideration ba yun? at motion of clarification... lol! supalpal ang mga wannabee aspirants natin.

Say ng MALACANANG:

Aba e akalain nyo na "sila daw ba naman e marurunong pa sa mga panyero nating mga mahestrado"? Mga nagpapantasya lamang daw ang mga kritiko sa pinagsasabi nila na gusto lang ni tita Glo na magtagal pa sa puwesto. Wala nga namang ganung isipan ang ating pinakamamahal na pangulo kundi ang maabsuwelto sa mga karimarimarim niyang kaso.

Sa Akin Lang Naman:

Pero kung titingnan natin e wala pinagkaiba ang mga taong lumililok ( napalalim yata a..) ng ating pamahalaan sa ating mga karaniwang tao. Wala ring pinagkaiba sa mga palingkero at palingkera baka nga malala pa ang iba. Medyo ibang level lang dahil mga Ingles ang mga banatan nila.

Pero sa tinatawag nilang demokratikong bansa na maaaring umepal ang sinuman sa anuman at sa kaninuman sa mga bagay bagay na nangyayari sa kapaligiran dahil sa malayang pagpapahayag e dapat me hangganan. Dahil lahat ng sobra ay labis na at ito ay hindi na maganda, nakakairita na, nakakagulo na.

Kapag ang ipinasya ng ating mataaas na hukuman ay binaliwala e ano pa ang ating pakikinggan. Parang wala ng katatagan. Iba ang Pinoy. Magaling ang Pinoy. Ilabas natin ang ating galing. Huwag sanang sirain.

Ewan ko kung ako ay mali. Baka me maganda kang ideya e ipamahagi mo naman. Kaya nga me lalagyan ng komento dyan. I-klik mo na lang.

2 comments: