Thursday, March 18, 2010

Presidential Appointee

Eto na ang inyong poging katoto na nagpipilit na magserbisyo. Laking gulat ni Nanay nang makitang nanonood ako ng balita. kadalasan kasi e yung basketball lang at cartoons ang pinapanood ko.

eniweys e pinayagan na raw o napagdesisyunan ng pinakamataas na hukuman natin na si Tita Glo ang mag aasaign ng papalit sa pinakamataas na hukom. Aba e nag kawindang-windang ang marami. May natuwa. Nainis. Nayamot. Na highblood. Me OA na. Pero marami rin tulad ko ang wala namang kamalayan dun.

Sa ginawang kong pagsusuri, pagtatanong-tanong, pakikinig sa mga diskusyun sa tambayan kong tindahan ng halo-halo e narito ang aking napiga sa utak kong me laman din naman pala:

Good News:

Sa mga taga Malacanang. Tuwang tuwa ang mga hinayupak tauhan ng palasyo. Me piesta yata dun? Pag talaga pinutakte ng suerte e sunod-sunod. Simulan nyo sa Hello Garci hanggang kay Bolante. Me ZtE pa.. ano pa ba?

Pero igagalang naman daw nila gaya ng dati ang desisyun ng mga tuta nilang mahestrado.

Bad News:

Sa mga kandidato lalo na sa pagka Pangulo. Dito na nagkagulo ang mga selyula sa aking di namang praktisadong utak... iginagalang naman daw nila ang pasya pero ayaw naman nila nung pasya. Dapat daw ay ang susunod na Pangulo ang mag-appoint ng susunod na may pinakamataas na posisyon sa korte para maging tao nila sa intagredad at sa mga bagay na sila lang ang nakakaintindi dahil hindi ko na maintindihan.


Ang sa akin lang naman... kung ipagkaloob ng ating mga dakilang mahistrado ang kapangyarihang iyon kay tita Glo ay wala na tayong magagawa pa kundi bantayan, pag usapan at baka sakaling sa pagkakaingay ng taumbayan e madala naman sila sa hiya. Yan kasi si tita Glo. Malakas. Makapangyarihan. Maimpluwensiya. Makapal. Matapang ang hiya. Ubod ng sama. Gahaman, pati na ang asawa. Mahusay.

Ayon kasi sa aking mga pag-aanalisa (naks)napakahalagang usapin kung sino nga ba ang hihirang ng bagong pinakamataas na mahistrado. Kayo sa tingin nyo? Sino nga kaya? Post mo nga dyan sa bandang baba ng amin ding mabasa. click mo lang dyan sa comments.

Salamat po.

No comments:

Post a Comment